Sangalan ng Misa
3:32 PMThis article can be seen in the Definitely Filipino Blog: http://www.definitelyfilipino.com/blog. I decided to try and write in Filipino as this topic is best expressed in this language. :)
-------------------------------------------------
Mga magkakatabing magkaibigan na nagdadaldalan, pagkatapos pagtingin mo sa kaliwa sa may bandang gitnang upuan ay may lalaking natutulog. Tingin ka pa sa kanan sa may pangalawang upuan at may tatay na nagte-text sa cellphone. Hala! Biglang may batang tumakbo sa harap ko at nakita ko ang yaya o nanay yata na biglang kinuha ang bata. May iba namang nanay na pinapatahimik ang isang bata. Yung iba naman ay tulala. Aba’y tignan mo pa ang paligid! May mga naka-backless, spaghetti strap, sando, t-shirt, mini-skirt, shorts, at pantalon na kapag umupo ay kulang na lang ay makita ang kuyukot ng mga pwet nila! Naka-tsinelas, sandalyas, sapatos. Kulang nalang maghubad sila sa mga suot nila. Ano kaya ito? Party? Meeting? Eskwela? Hindi. Nasa lugar sila na dapat na dapat nire-respeto, matahimik at nakikinig sa nagsasalita sa harap. Isang lugar, kung saan, dapat ay mataimtim tayong…nagdadasal. Ito ang selebrasyon ng Diyos. Ito ang…MISA.
Habang nakikinig sa sermon ng pari na nakatayo sa pulpito, hindi maiwasan ng aking mga mata na mapatingin sa mga tao sa loob ng simbahan na nagmi-misa. Bilang isa sa mga taong nasa harap dahil nagpapakita ng mga titik ng mga awitin, nakikita ko ang mga iba’t ibang gawain nila. At hindi ko akalain, pagkatapos ng Misa, na sa mismong bahay ng Diyos ay pinapaliban ng mga nagsisimba ang pagdadasal para lang magawa ang gusto nilang gawin.
Hindi ko tuloy malubos maisip: ganito na ba nating nakalimutan ang Diyos, na gumawa sa atin, dahil lang sa mga gusto nating magawa na hindi akma sa Misa? Mas nanaisin pa ba natin kausapin ang katabi kaysa sa Diyos? Bakit? Natutulungan ba tayo ng katabi natin sa LAHAT ng mga problema natin sa buhay? Masyado natin binabalewala ang Santa Misa. Para sa iba ay okey na yung simba lamang, at hindi na iniintindi ang kahalagahan nito. Kulang tayo sa kaalaman nito. Narito ang ilan sa mga halimbawa kung paanong masasabi na balewala na sa iba ang misa
Ang unang ugaling ito ay hindi lang nakakaabala sa mga maagang dumadating sa simbahan. Nagagambala ang kanilang dasal sa mga huling dumarating. Ang masaklap pa doon ay yung iba, uupo pa sa harap kung saan kita ng lahat na huli sila! Hindi na nahiya! Dito nakikita na hindi naiintindihan ng iba na napakahalaga ang BAWAT parte ng misa. Mula pa sa paglakad ng pari papunta sa harap hanggang sa mga pagbasa at sermon pari, hanggang sa pagalis ng pari mula sa altar. Lahat ng parte ay napaka-importante dahil isa itong selebrasyon ng ating Panginoon. Di ba tayo, kapag may selebrasyon na gagawin, gusto natin walang nahuhili at naiirita tayo kung meron man? Ganon din ang Diyos dahil gusto Niya nandun tayo mula sa simula hanggang sa huli dahil mas makakausap natin ang Panginoon at mainitindihan ang kanyang Salita.
Ang pangalawang ugali ay ang pamamaraan ng pananamit ng mga tao. Sa mga misa na napuntahan ko, mas marami pa ata akong nakikita na hindi akma ang mga suot sa misa kaysa yung mga matino at kagalang-galang tignan. Parang pupunta sa mga rave party o gimik kung saan ay naka-backless, mini-skirt o ano pa man suot na kulang na lang ipakita ang kaluluwa. Tapos may iba naman pakiramdaman ang simbahan ay bahay. Biruin mo! Naka t-shirt, shorts at tsinelas lang. Minsan pa nga ay naka-sando imbis na t-shirt! Hala! Anong klase ba naman yun?! Kung ikaw kaya ay mag-organisa ng party na “strictly formal”, pero may pumunta na naka-pangbahay na shorts, t-shirt at tsinelas? Sige, hindi kaya mainis tayo nun at paalisin yung taong yun. Para sa Diyos, simpleng kasuotan lang tulad ng pants, sapatos at blouse ay okey na sa kanya. Basta imporatnte nandun ka para kausapin ka. At nakakatawag pansin, lalo na sa mga lalake na nakakakitang mga babae na naka-backless at mini-skirt. At dahil doon ay nasisira mo na ang pagdadasal nila. Naka-gawa ka pa ng kasalanan.
At ang panghuli ay ang mga kadalasang ginagawa na simple lang at hindi ganon mapapanisin ng ibang tao, pero mapapansin kaagad ng Diyos. Yung mga tipong mas gugusuhin pa nila makipag-usap sa kayabi o sa ka-text kaysa magdasal ng taimtim. At akalain mong mas gusto pa matulog kaysa pakinggan ang Salita ng Diyos. Isang oras lang ang hinihingi ng ating Panginoon na makausap at makasama Siya ay hindi pa natin mapagbigayan. At, nakaka-istorbo pa tayo sa mga ibang tao na nakikipag-usap sa Diyos din.
Yan ang hirap sa ating mga Pilipino ngayong maka-bagong panahon. Nakakalimutan natin ang Diyos sa sobrang bisi natin. Mas may panahon pa tayo sa trabaho kaysa magdasal kahit sandali lang. Mas iniintindi pa natin ang mga sarili natin kaysa magpunta sa Misa. Sabi nga daw nila, ang Pilipinas “is the only Catholic country in Asia” kasi maraming Katoliko dito. Pero dapat nga ba natin ipagmalaki ito? Hindi! Dahil kung sa misa nga hindi natin mapagbigyan ang Diyos, paano pa kaya sa araw-araw buhay natin na mas iniintidi ang trabaho at sarili natin. Hindi natin nagagamit ang Salita ng Diyos sa buhay natin kahit na nagmimis tayo. Kung baga nga, tayo ay “practicing Catholic” lang, at hindi “devout Catholic”.
Nakakalungkot nga isipin na magmimisa lang tayo ay nagre-reklamo tayo, kahit na isang oras lang iyon. Ang nangyayari tuloy ay nagiging obligasyon ang pagpunta sa misa imbis na galing ito mula sa puso at kalooban natin. Mas gusto pa natin intindihin ang pag-abot sa mga pangarap natin at maging matagumpay sa buhay kaysa ang Diyos at ang Kanyang Salita.
Hindi ba ninyo alam na kailangan natin ang Diyos sa pag-abot ng mga pangarap natin at para maging matagumpay sa buhay? Hindi natin ito natatanto dahil masyado tayong bisi. Pero malalaman na lang natin ito kapag may nangyayari hindi maganda sa atin at sisisihin pa natin ang Diyos. Sa pamamagitan ng pagdasal at pakikipag-usap sa Kanya ay matutulugan niya tayo. Siya lamang ang makakatulong sa atin kapag wala na tyo mapuntahan pang iba. Palagi Siyang nandyan sa tabi natin.
Sana ngayon pa pa lang ay pahalagahan na natin ang Santa Misa at kausapin na natin ang Panginoon. Importante ito sa buhay natin at mas maiintindihan natin ng maigi ang Salita ng Diyos. Mag-sakripisyo tayo ng mga ibang bagay para sa ating Diyos. Yun ang hinihingi Niya, sana ay pagbigyan natin Siya.
0 comments